Ngayong holiday season, kaliwaβt kanan ang magsasagawa ng mga okasyon kung saan hindi mawawala rito ang pagsasalo-salo ng publiko.
sa naging panayam ng IFM Dagupan my Dr. Cielo Almoite, Pangasinan Health Officer I, kanyang ipinaalala sa publiko na maghinay-hinay sa mga pagkain dahil baka ito pa ang magiging dahilan ng kanilang problema gaya na lamang ng pagtaas ng kolesterol na nagiging sanhi ng hypertension o high blood.
Aniya pa ay dapat maging maalam ang publiko sa mga kakainin upang hindi mapasama sa kanila ang sobra-sobrang pagkain.
Mas mainam Aniya na kumain lamang ng sapat at huwag masyadong kumain ng mga nakakasama sa kalusugan.
Ipinaalala rin sa publiko na laging icheck kung malinis ang mga kinakain upang hindi makakuha ng sakit gaya na lamang ng food poisoning.
Sakaling magluluto naman, hugasan ng maigi ang mga sangkap upang matiyak na malinis ang mga ito bago iluto. | πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments