π—£π—¨π—•π—Ÿπ—œπ—žπ—’, π—›π—œπ—‘π—œπ—žπ—”π—¬π—”π—§ π—‘π—š 𝗕𝗨π—₯π—˜π—”π—¨ 𝗒𝗙 π—œπ— π— π—œπ—šπ—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘ 𝗑𝗔 π—œπ—¦π—¨π— π—•π—’π—‘π—š 𝗦𝗔 π—žπ—”π—‘π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—§π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—£π—”π—‘ π—”π—‘π—š ‘π—œπ—Ÿπ—Ÿπ—˜π—šπ—”π—Ÿ π—”π—Ÿπ—œπ—˜π—‘π—¦’

Hinikayat ng Bureau of Immigration Dagupan Field Office ang mga Dagupenos na huwag mag atubiling isumbong sa kanilang tanggapan ang mga ilegal na dayuhan na walang pahintulot para tumira sa lungsod.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay BOI Spokesperson Dana Krizia Sandoval, kung mayroon man umanong impormasyon ang mga ito ukol sa mga β€˜illegal aliens’ na magtatangkang mag-transfer o magsagawa ng iligal na aktibidad sa loob ng lungsod ay agad itong ireport sa kanilang opisina.

Makakatulong umano ito na maiwasan ang mga illegal na transaksyon ng mga foreign nationals sa lungsod at mapanagot sa kanilang mga maling gawain.

Tiniyak naman ng ahensya na nagpapatuloy ang Regional Intelligence Group nito sa pagmomonitor sa mga foreign nationals na naninirahan sa lungsod. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments