Ibinahagi ng Pangasinan Provincial Health Office kamakailan lamang ang ilan sa mga sakit na maaaring maglipana ngayong idineklara na sa bansa ang panahon ng tag-ulan.
Mula sa datos ng Pangasinan PHO, nasa dalawang kaso pa lamang ang naitatalang kaso ng leptospirosis sa lalawigan simula January hanggang June ngayong taon bagamat hinimok ang publiko ukol sa mga aksyon na kinakailangang gawin upang maiwasan ang banta ng naturang sakit.
Payo ng tanggapan ang mainam na paggamit ng bota kung susuuingin ang baha partikular na ang mga indibidwal na may sugat. Mahalaga ang paghugas ng paa at mga binting na inilusong sa kontaminadong tubig.
Dagdag pa rito ang pagtungo sa mga health centers upang mapayuhan ano ang nararapat na gawin at mabigyan ng gamot laban dito.
Samantala, nakaantabay ang PHO sa iba pang mga sakit na talamak ngayong panahon ng tag-ulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨