𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗧𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗟𝗜 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗕-𝗦𝗧𝗔𝗡𝗗𝗔𝗥𝗗𝗦 𝗡𝗔 𝗖𝗛𝗥𝗜𝗦𝗧𝗠𝗔𝗦 𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧𝗦

Pinag-iingat ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan ang publiko sa pagbili ng sub-standards na Christmas lights.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay DTI Pangasinan Provincial Director Natalia Dalaten, nagsasagawa na ng monitoring at inspection ang kawani ng ahensya sa mga nagbebenta ng Christmas Lights at electrical appliances.

Aniya, kinakailangang siguraduhin ng mga mamimili na mayroong logo ng ICC o Ps mark ang bibilihing Christmas lights. Ang substandard na Christmas lights ay madaling masunog na posibleng magdulot ng mas malaking insidente.

Samantala, nagsimula na rin ang monitoring ng ahensya sa mga panghanda sa holiday season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments