𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚 𝗜𝗜𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗙𝗔𝗞𝗘 𝗡𝗘𝗪𝗦 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔

Pinag-iingat ng ng Office of the Civil Defense 1 ang publiko ukol sa mga kumakalat na maling impormasyon sa Social Media ngayong nararanasang ang sakuna.

Ayon sa tagapagsalita ng OCD-1, na si Adreanne Pagasolingan, mahalaga ang pag beripika ng mga impormasyon na nakikita sa social media upang ito ay hindi nagdudulot ng pangamba.

Ito ay matapos kumalat ang mga naglipanang maling impormasyon na may mga lugar sa rehiyon na nagkaroon ng pagguho ng lupa. Dagdag pa ni Pagsolingan, maigi ring sumangguni sa mga beripikadong government at news agencies sa tamang impormasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments