𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗜𝗜𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗦𝗧𝗔𝗡𝗗𝗔𝗥𝗗 (𝗣𝗦) 𝗠𝗔𝗥𝗞 𝗔𝗧 𝗜𝗠𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗢𝗗𝗜𝗧𝗬 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗥𝗔𝗡𝗖𝗘 (𝗜𝗖𝗖)

Pinag-iingat ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan ang publiko sa mga produktong walang Philippine Standard (PS) Mark at Import Commodity Clearance (ICC).

Ayon kay DTI Provincial Director, Natalie Dalaten, ang PS mark o Philippine Standard mark ay para sa mga produktong locally manufactured at ICC o Import Commodity Clearance naman para sa mga produktong imported.

Aniya, mahalaga ito upang makita kung ang Isang produkto ay ligtas o may panganib na dala sa consuming public. Isa rin ito sa basehan sa kalidad ng produkto dahil dumaan ito sa tamang pagsusuri at proseso ng paggawa.

Binigyang diin ng ahensya na Maiiwasan ang pagkalat ng mga substandard na produkto sa merkado maging biktima ng ng peke o hindi ligtas na produkto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments