𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗜𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗔𝗦𝗧𝗛𝗠𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗧𝗜-𝗨𝗡𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗚 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡

Nagpaalala ang health authorities sa lungsod ng Dagupan sa mga nakararanas ng asthma ngayong unti-unti nang lumalamig ang panahon.

Sa isang panayam kay Dagupan CHO Dr. Ophelia Rivera, posible umanong marami ang makaranas o magtrigger ang kanilang asthma dahil sa malamig na panahon pati na rin ang paglanghap ng usok o alikabok.

Aminado naman ang tanggapan na may pagtaas ng kaso ng asthma ngayon.

Dahil dito, pinaalalahanan ang publiko ng ibayong pag-iingat upang hindi umano ito matrigger..

Aniya, ugaliin ang pagsusuot ng face mask gayundin ang palagiang pag-inom ng tubig.

Patuloy naman ang pagbabantay ng awtoridad sa kaso ng mga respiratory illness tulad ng ubo at sipon maging ng gastroenteritis at hypertension. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments