𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗬𝗔, 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗧𝗢𝗪𝗔𝗥𝗗 𝗜𝗡𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗦𝗔 𝗪𝗔𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗔 𝗖𝗢𝗖 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡

Mapayapa at walang untoward incidents na naitala sa Ilocos Region ang hanay ng kapulisan sa nakalipas na COC filing mula Oct. 1 hanggang Oct. 8.

Sa pahayag ni PRO 1 Regional Director PBGEN Lou Evangelista, pinasalamatan nito ang publiko maging ng mga aspiring candidates sa pakikiisa sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga opisina ng COMELEC.

Binigyang-diin din ng opisyal na walang kinikilingan at apolitical ang kanilang hanay.

Patuloy naman nitong hinihikayat ang publiko na sumunod sa regulasyon na ipinapatupad ng COMELEC para sa parating na May 2025 Elections. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments