𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗨𝗪𝗜 𝗡𝗔, 𝗞𝗥𝗜𝗧𝗜𝗞𝗔𝗟 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘

Kritikal sa hospital ang isang pulis matapos itong bumangga sa poste sa sa Brgy. sugcong, Urdaneta City, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Korina Pacleb na nakadestino sa Ilocos Sur.

Ayon sa imbestigasyon, pauwi na sana ang pulis nang mangyari ang insidente. Bumangga umano ang kaniyang minamanehong motorsiklo sa poste ng ilaw.

Tumilapon ang pulis at lubhang napuruhan ang ulo kahit pa nakasuot ng helmet nang mangyari ang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments