𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗖𝗔𝗟𝗔

Nasa mabuti ng kondisyon ang Isang pulis matapos itong masangkot sa aksidente sa bayan ng Alcala.

Ang biktima ay kinilalang si Police Corporal Edmond Ermino nakadestino sa Sto Tomas PNP

Ayon sa imbestigasyon binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Brgy. San Juan sa bayan ng Alcala sakay ng kanyang motor ng bigla umano itong matumba dahilan upang magtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad naman itong naisugod sa pagamutan at ngayon ay nasa mabuti ng kalagayan habang patuloy pa ang imbestigasyon sa dahilan ng Pagkatumba nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments