Inilunsad sa Dagupan City ang ‘Purok Kalusugan’ bilang bagong primary health care program ng Department of Health – Ilocos Center for Health Development 1 para sa pagbibigay serbisyong pangkalusugan kahapon.
Target ng programa na mailapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa mga purok ng lahat ng lokalidad sa rehiyon.
Ilan sa serbisyong maaaring maihatid ng primary health care program ay pagbabakuna, oral health, maternal health, tuberculosis control program, nutrition, non-communicable disease prevention and control program, and environmental and sanitation services.
Pinangunahan ni DOH-CHD Regional Director Dra. Paula Paz Sydiongco at miyembro ng lokal na pamahalaan ang paglulunsad sa barangay Mayombo.
Inaasahang mapakikinabangan naman ito ng mga residente sa lungsod lalo ng mga pinakanangangailangan ng atensyon medikal at pangkalusugan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨