
Cauayan City β Timbog ang isang hinihinalang tulak ng marijuana matapos ang isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng mga awtoridad nitomg March 23, 2026 sa Purok 5, Barangay Patul, Santiago City, Isabela.
Kinilala ang suspek sa alyas na βWinwin,β 30 taong gulang at residente ng nasabing barangay.
Pinangunahan ang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Isabela Provincial Office katuwang ang PDEA Quirino Provincial Office, Santiago City Police Station 3, Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) Special Operations Unit 2, Regional Maritime Unit, RIU2 CIT Santiago, at Santiago City Police Office CIU.
Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 800 gramo ng hinihinalang marijuana na may kabuuang halaga na humigit-kumulang β±96,000 kung saan kabilang dito ang isang brick ng marijuana na may bigat na nasa 500 gramo na nakabalot sa transparent tape, at isang cylindrical package na may lamang humigit-kumulang 300 gramo ng marijuana leaves at fruiting tops na nakabalot at malinaw transparent plastic na may pula at puting tape na may markang βfragile.β, buy-bust money, at isang cellphone.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Source and Photo Courtesy: PDEA R2
————————-
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










