𝗣𝗨𝗧𝗢 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢, 𝗣𝗢𝗥𝗠𝗔𝗟 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦; 𝗣𝗨𝗧𝗢 𝗩𝗘𝗡𝗗𝗢𝗥𝗦, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗡

Pormal nang nagbukas ngayong araw ika-7 ng Disyembre 2023 ang isa sa pinaka-kilalang festival sa lalawigan ng Pangasinan na matatagpuan sa bayan ng Calasiao.
Kaninang umaga inumpisahan ang selebrasyon ng kapistahan sa pamamagitan ng Thanksgiving Mass sa simbahan ng Sts. Peter and Paul Parish Church, sinundan naman ito ng isang parada at ang pagbubukas ng Puto Festival ngayong 2023 na dinaluhan ng opisyal ng bawat barangay sa bayan maging ng mga kawani ng LGU Calasiao at marami pang iba.
Ang naturang selebrasyon ay gaganapin sa loob ng isang linggong paggunita kung saan punong-puno ito ng mga aktibidad na magtatapos sa ika-13 ng Disyembre.

Sa naging talumpati ni Mayor Kevin Roy Macanlalay, kanyang pinasalamatan at binigyang papuri ang mga nagbebenta ng puto dahil sila aniya ang dahilan kung bakit nakilala ang bayan ng Calasiao na may pinakamasarap na puto sa buong Pilipinas gayundin ang mga nagdaang opisyal ng bayan.
Sa selebrasyong ito, hinikayat ng alkalde na tangkilikin ang lahat ng programa sa kanilang Puto Festival maging plaza ng bayan dahil punong-puno ito ng pailaw ngayong nalalapit na kapaskuhan.
Sa huli nanagawan ito sa publiko na magkaisa at magmahalan ngayong panahon ng kapaskuhan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments