𝗣𝗨𝗧𝗢 𝗠𝗢𝗦𝗔𝗜𝗖 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗡𝗗 𝗗𝗘𝗦𝗜𝗚𝗡, 𝗞𝗜𝗡𝗔𝗚𝗜𝗟𝗜𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢

Isa sa bahagi ng programa ng Calasiao Puto Fest ngayong taong 2023 ang isinagawang Puto Mosaic Construction and Design na ginanap noong December 12 sa isang mall sa Calasiao.
Naipakita kung gaano kahusay sa puto art ang mga Calasiao Puto Vendors. Hindi lang sila magaling magbenta, hindi lang sa pasarapang magluto ngunit ipinakita rin ang kanilang kahusayan pagdating sa Puto Mosaic.
Dahil ngayon ay Throwback Thursday, kung inyong matatandaan mga idol, nasungkit ng bayan ng Calasiao ang Guinness World Records largest “puto” mosaic noong nakaraang taong 2018. Isa sa pinakasikat na produkto at masarap na puto ay sa sa bayan ng Calasiao, Pangasinan lamang matatagpuan. Kaya naman Happy Puto Festival mga idol mula rito sa IFM DAGUPAN! |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments