𝗣𝗪𝗗𝗦 𝗦𝗔 𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗞𝗜𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗗𝗜𝗟𝗔

Pinagkakakitaan ngayon ng mga person with disabilities (PWDs) sa Asingan ang paggawa ng mga makukulay na kandila.

Ang mga miyembro ng ng Asingan Federation of Persons with Disability (AFPWD) ay doble kayod dahil sa pagdoble ng produksyon ng kanilang ibinebentang kandila.

Isang linggo bago ang undas, umaabot na sa isang libong (1000) piraso ng kandila ang kanilang nagagawa kaya naman labis ang kanilang tuwa dahil ito ay malaking tulong para sa karagdagang pondo ng kanilang asosasyon.

Sa halagang 50.00 pesos hanggang 120.00 pesos makakabili na ng kandila na magagamit para sa paparating na undas.

Maliban sa kandila gumagawa rin ang mga ito ng customized T-shirt, Mango Vinegar, foot rugs, mugs, tinapang bangus, boneless bangus, dishwashing at marami pang iba.

Sa mga nais bumili ng kandilang gawa ng mga malikhaing miyembro ng Asingan Federation of Persons with Disability (AFPWD) sila ay nasa Sheltered Workshop for Older Persons and Persons with Disabilities office na likod lamang ng opisina ng PNP Asingan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments