CAUAYAN CITY – Patuloy na namamahagi ng wheelchair ang Lokal na Pamahalaan ng Cabatuan para sa mga nangangailangang senior citizen at PWD sa kanilang bayan.
Ang inisyatibang ito ay naglalayong makatulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga benepisyaryo, partikular na sa kanilang mobility at pang-araw-araw na gawain.
Bukod dito, nagpapatuloy rin ang gravelling ng Lokal na Pamahalaan sa mga mabato at malubak na kalsada sa Purok 6, Barangay La Paz, upang mapabuti ang daanan at maibsan ang hirap ng transportasyon sa lugar.
Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan upang magbigay ng tulong at pag-unlad sa komunidad.
Facebook Comments