𝗣𝟭𝟬𝟮𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗠𝗦𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗘𝗠𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Nasabat sa isang foreman ang humigit kumulang 15 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng P102,000 sa pinagsanib pwersa ng PNP at PDEA sa Brgy. Bued, Alaminos City, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Daryll Peru alyas Dar, 36 anyos , pansamantala nanunuluyan sa nabanggit na lugar. Ayon sa pulisya, markado ang suspek bilang high value individual sa buong Pangasinan.

Naiturn-over na sa Provincial Forensic Unit ang hinihinalang shabu na nakuha sa suspek para sa pagsusuri.

Nasa kustodiya ng PNP Alaminos City ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments