CAUAYAN CITY – Isinagawa ng DSWD Region2 ang groundbreaking ceremony para sa Farm-to-Market Road project sa Brgy. La Paz, Cabatuan, Isabela.
May kabuuang haba na aabot sa 1.3 kilometers ang naturang kalsada at ang pondong inilaan dito ay nagkakahalaga ng mahigit P10-M mula sa programang KALAHI-CIDSS at kontribusyon ng nabanggit na barangay.
Malaking tulong umano ito sa mga mamamayan lalo na sa mga magsasaka dahil mas mapapabilis at mapapagaan na ang kanilang pagdadala ng produktong pang-agrikultura sa merkado.
Inaasahan namang sisimulan kaagad ang paggawa sa proyekto at matatapos ito bago matapos ang taong 2024.
Facebook Comments