𝗣𝟭𝟭𝟮𝗠 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗦𝗜𝗟𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗗𝗥𝗨𝗠, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗕𝗔𝗬𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗡𝗢

Tinatayang nasa P112,200,000 ang halaga ng shabu na nakasilid sa isang drum ang natagpuang palutang-lutang ng isang mangingisda 40 nautical miles mula sa kanlurang bahagi ng baybayin ng Brgy. Patar, Bolinao, Pangasinan.

Ayon sa mangingisda na si Arnold Corpuz residente ng Sitio Abagatanen, Brgy. Macaboboni sa Agno, hapon na nang napansin nito ang drum sa laot, 40 nautical miles ang layo mula sa naturang lugar. Umuwi ni Corpuz ang drum at natuklasang shabu ang laman.

Agad na ipinagbigay Alam ni Corpuz sa awtoridad ang natagpuan nito. Aabot sa 16. 5 na gramo ang natagpuang shabu. Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa pagkakapadpad muli ng ilegal na droga sa ilang baybayin sa coastal areas ng Pangasinan.

Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ng Pulisya ang mga residente ng coastal areas sa lalawigan na ireport sa kanilang tanggapan sakaling makatagpo ng illegal na droga sa baybayin.

Facebook Comments