𝗣𝟭𝟮 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗕𝗢𝗡𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗖𝗢𝗟𝗔𝗦, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜

Nasa 3,778 na magsasaka sa San Nicolas ang nabigyan ng fertilizer voucher mula sa Department of Agriculture sa ilalim ng programang National Rice Program.

Ito ay bilang suporta sa mga magsasaka upang maibsan kahit papaano ang gastusin sa mga materyal na pangangailangan upang magpatuloy ang produksyon ng bigas sa bayan.

Halos lahat ng mga magsasakang napamahagian ng naturang voucher ay mga nagtanim noong 2024 wet cropping season. Kabuuang Php 12,044,201.20 ang naipamahaging one-time voucher kung saan nakabase ang pamamahagi sa bahagi o lupang sinasaka ng mga magsasaka.

Patuloy naman ang panghihikayat ng tanggapan ng Department of Agriculture sa mga hindi pa rehistradong magsasaka na magparehistro na sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture upang makatanggap rin at maging benepisyaryo sa iba’t-ibang serbisyong hatid ng pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments