
Cauayan City – Nasabat ng mga awtoridad ang karton-kartong iligal na sigarilyo sa Isang checkpoint sa Brgy. Daramuangan Sur, San Mateo, Isabela kahapon, ika-5 ng Enero.
Ayon sa ulat, dinakip ang 4 na indibidwal na kinilalang sina alyas “Jose”, 52-anyos, “Juan”, 19-anyos, “Pepe”, 21-anyos, pawang mga residente ng Brgy. San Fermin, Cauayan City, at alyas “Pablo”, 46-anyos, residente ng San Mateo, Isabela.
Bago ang pagkakadakip, una umanong pinara ng mga awtoridad Kulong-kulong at isang tricycle na sakay ng mga suspek matapos makita ang karga ng mga itong kahon ng sigarilyo.
Nang hingan ng mga kapulisan ang mga suspek ng dokumento ng mga nabanggit na sigarilyo, bigo ang mga itong magpakita ng kahit ano dahilan upang sila ay dakpin.
Kasabay ng pagkakadakip ng mga suspek, nakuha rin sa kanilang pag-iingat ang 10 kahon ng Bon International Nise cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng P140-K.
Kaagad namang dinala sa San Mateo Police Station ang mga nakuhang ebidensiya maging ang mga suspek para sa pagsasampa ng kaso.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










