
โCauayan City – Nadakip ang dalawang lalaki matapos masabat ang hindi dokumentadong pine lumber na nagkakahalaga ng โฑ159,195 sa isang routine checkpoint sa Brgy. Nagsabaran, Diadi, Nueva Vizcaya, ika-21 ng Marso.
โSa ulat ng kapulisan, pinahinto ng mga tauhan ng 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company katuwang ang Diadi Police Station ang isang Isuzu Elf truck na minameho ni alyas “Ipe”, 25-anyos, driver, kasama si alyas “Jay”, 18-anyos, isang helper, parehong mula sa Mt. Province.
โUnang sinabi ng mga suspek na gulay ang kanilang kargamento, ngunit kalaunaโy napatunayang hindi ito totoo.
โNagdulot ng hinala ang matapang na amoy ng kahoy mula sa sasakyan kaya agad itong sinuri ng mga operatiba.
โSa kanilang inspeksyon, natuklasan ang mahigit 3,500 board feet ng pine lumber na walang sapat na dokumento para sa transportasyon.
โNahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 ang mga suspek, habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.
โAyon sa mga awtoridad, bahagi ito ng mas pinaigting na operasyon laban sa illegal logging at sa pangangalaga ng likas na yaman sa lalawigan.
โSource: Nueva Vizcaya PPO










