Wednesday, February 18, 2026

‎𝗣𝟭𝟳𝟰𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗝𝗨𝗔𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗕𝗨𝗞 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗞𝗔!


‎Cauayan City – Isang matagumpay na anti-droga operasyon ang isinagawa ng magkasanib na puwersa ng Tabuk City Police Station at PIU/PDEU Kalinga PPO nitong Pebrero 16, 2026 sa Purok 6, Bulanao.

‎Nagsimula ang operasyon matapos matagpuan ng isang patroller ang marijuana bricks na nahulog mula sa backpack ng isang pasahero.

‎Nakumpiska ang dalawang tubular forms at isang brick ng pinatuyong marijuana na may kabuuang timbang na 1.45 kilo at tinatayang halagang ₱174,000, maging ang itim na backpack na ginamit sa pagtatago ng droga.

‎Dinala naman sa Tabuk City Police Station ang suspek ang nga nakumpiskang ebidensya at ipapadala sa Kalinga Provincial Forensic Unit para sa pagsusuri.

‎Ayon sa Kalinga PPO, ipinapakita ng operasyon na ito ang kanilang patuloy na pagtutok sa kampanya laban sa iligal na droga at sa pagpapanatili ng kaligtasan ng komunidad.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments