Aprubado na ngayong araw, March 18, ang annual budget ng Dagupan City para sa taong 2024 na nagkakahalaga ng P1.385B.
Kasunod ito ng pagtalakay at pagpasa sa ikalawa, ikatlo at pinal na pagbasa sa regular session sa Sangguniang Panlungsod.
Ngayong pasado na, tututukan naman ngayon kung paano ito maisasakatuparan sa bawat pinaglalaanang programa partikular na ang paggamit sa pondo nito.
Titiyakin umano ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na mapupunta ang pondo sa nararapat na implementasyon ng mga kinakailangang programa.
Samantala, aasahan na magtutuloy-tuloy na ang mga pinaplanong proyekto na benepisyo para sa mga Dagupeños tulad na lamang sa sektor ng edukasyon, social services, imprastraktura, health services at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments