Wednesday, February 4, 2026

𝗣𝟮𝟬𝟳-𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗞𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡, 𝗦𝗜𝗡𝗜𝗥𝗔



Cauayan City – Umabot sa kabuuang 19,288 piraso ng ilegal na paputok na may tinatayang halagang ₱207,408.00 ang nasamsam at tuluyang sinira ng kapulisan bilang bahagi ng pinaigting na kampanya para sa kaligtasan ng publiko.

Ang pagsira at tamang disposisyon ng mga ilegal na paputok ay isinagawa kahapon, ika-7 ng Enero sa Police Regional Office 2 Grandstand, Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon sa Philippine National Police, ang malaking bilang at halaga ng mga nakumpiskang paputok ay resulta ng tuluy-tuloy at mahigpit na law enforcement operations sa buong rehiyon, alinsunod sa pagpapatupad ng Executive Order No. 28, Series of 2017, na naglalayong limitahan ang paggamit at bentahan ng ilegal na paputok.

Ayon pa sa ulat, ibinahagi rin na nagkaroon ng pagbaba sa bilang ng mga insidenteng may kaugnayan sa paputok. Batay sa datos, bumaba ng 25.66% ang firecracker-related incidents kung saan mula 113 kaso noong 2024 ay mayroon lamang 84 na kasong naitala noong 2025.

Ito ay patunay ng positibong epekto ng pinaigting na kampanya ng kapulisan at ng pakikiisa ng iba pang ahensya at publiko sa mas ligtas na pagdiriwang ng holiday season.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments