Cauayan City – Umabot sa 20 milyong piso ang halaga ng pondong inilaan ng pamahalaang lungsod ng Cauayan sa pagkakabit at pagpapalit ng mga street lights sa lungsod.
Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Cauayan City Mayor Hon. Jaycee Dy, halos nasa 50% na ang natatapos sa proyektong ito ng LGU Cauayan.
Aniya, una rito ay natapos na ang pagkakabit ng streetlights sa bahagi ng Brgy. Alinam hanggang sa boundary ng Minante 1 at Minante 2, ganun crin mula sa Rizal Park hanggang sa Brgy. Turayong, Cauayan City.
Sinabi ni Mayor Jaycee Dy na prayoridad nilang unang paliwanagin ang main roads sa lungsod ng Cauayan, habang ang mga inner roads naman ay sisimulan sa susunod na tranche.
Samantala, hinihingi naman ni Mayor Jaycee Dy ang pang-unawa ng mga Cauayeño sa paghihintay na matapos ang proyekto dahil hindi umano ito kayang tapusin sa ilang araw lamang.