Sa halagang 29 pesos, Isang kilo na ito ng bigas na mabibili sa Lingayen, Pangasinan ngayong araw.
Inanunsyo ng lokal na Pamahalaan na mayroong isasagawang Kadiwa Rice Selling sa Lingayen Civic Center kung saan magsisimula itong ibenta sa Oras ng alas otso ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.
Mayroon ding mabibili na regular milled rice na 145 pesos sa kada limang kilo.
Ayon sa lokal na Pamahalaan, first come first basis ang sistema ng bentahan ng bigas.
Matatandaan na una nang tiniyak ang mababang presyo sa mga dekalidad na bigas para sa mga vulnerable sector Gaya ng solo parents, PWDs, Senior Citizens at mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments