𝟮 𝗠𝗜𝗟𝗟𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗜𝗗𝘀 𝗡𝗔𝗜𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Nagpapatuloy ang paghahatid ng mga PhilSys IDs sa lalawigan ng Pangasinan. Ayon kay PSA Pangasinan National ID Focal Person Christopher Flores, nasa kabuuang 2, 104, 699 na ang naibigay ng National IDs sa mga Pangasinense as of September 2, 2024.

Pinapalawig din sa lalawigan ang registration na umaarangkada sa mga bara-barangay, eskwelahan at mga malls sa probinsiya.

Sa isinagawang Rehistro Bulilit nito lamang Agosto sa Alaminos City, Urdaneta City, Rosales at Dagupan City, nakapagtala ng kabuuang 1, 538 ang tanggapan na naiparehistrong mga bata.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments