๐—ฃ๐Ÿฏ๐Ÿฏ๐Ÿฎ.๐Ÿฑ-๐—  ๐—•๐—ฌ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ฆ ๐—ฅ๐—ข๐—”๐——, ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—œ๐—ก๐—š ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ง๐—จ๐— ๐—”๐—จ๐—œ๐—ก๐—œ

CAUAYAN CITY – Malaki ang naging tulong ng 3.58-kilometer Tumauini Bypass Road Project sa lagay ng trapiko sa bayan ng Tumauini, Isabela.

Ayon sa ulat ni DPWH Region 2 Director Reynaldo Alconcel, simula nang matapos at mabuksan sa publiko ang naturang Bypass Road ay naging maayos na ang daloy ng trapiko sa Daang Maharlika.

Ang Tumauini Bypass Road ay nagsisilbing alternative route kung saan ang entry at exit points nito ay sa Barangay Maligaya at San Mateo, Tumauini, Isabela.


Nasa halagang P332.5 milyong piso ang pondong inilaan para sa proyekto sa ilalim ng 2018-2022 General Appropriations Act (GAA).

Facebook Comments