𝗣𝟯𝟲𝟬𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗝𝗨𝗔𝗡𝗔, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗛𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗩𝗜𝗗𝗨𝗔𝗟

Timbog ang dalawang high value individual matapos mahulihan ng iligal na droga sa kinasang buy bust operation sa Brgy. Pagudpud, San Fernando City, La Union.

Kinilala ng pulisya ang suspek na mga residente ng Baguio City.

Nakumpiska sa mga suspek ang P360, 000 halaga ng humigit kumulang tatlong gramo ng dahon ng marijuana matapos mabisto ng pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments