Ipinamahagi sa piling mga mangingisda sa lalawigan ng Pangasinan ang ilang mga kagamitan na nagkakahalaga ng P3.3M.
Kinabibilangan ng labinlimang (15) fisherfolks at labinsiyam (19) na fish processor associations ang mga naging benepisyaryo ng mga kagamitan na maaaring mapakinabangan ng mga ito sa kanilang hanapbuhay.
Saklaw nito ang mga Pond Seine nets, Thermochest HDPE, HD Cooler Boxes with Insulation UV, Chest Freezer at Fish processing kits.
Samantala, mula naman ang donasyon sa B-SAFE o Building Safe Agricultural Food Enterprises project ng United States Department of Agriculture sa pamamagitan ng Winrock International, sa pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na may layong suportahan ang mga lokal na mangingisda sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨