Natapos na ang konstruksyon ng road widening at drainage project na nagkakahalaga ng 41 milyon pesos sa San Carlos City, Pangasinan.
Mula sa dalawampu hanggang dalawampu’t limang minuto na byahe sa kahabaan ng Barangay Coliling, inaasahang aabutin na lamang sa lima hanggang labing limang minuto ang oras ng byahe mula sa Public Market.
Bukod sa mapapagaan nito ang daloy ng trapiko dahil sa maluwag na kalsada, makatutulong din ang drainage project sa nararanasang pagbaha.
Bahagi ito ng pagtugon ng lokal na pamahalaan sa nararanasang problema sa baha at pagsasaayos ng kakalsadahan para sa publiko. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments