𝗣𝟱𝗠 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗨𝗟𝗧𝗜𝗣𝗨𝗥𝗣𝗢𝗦𝗘 𝗕𝗨𝗜𝗟𝗗𝗜𝗡𝗚, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗢 𝗡𝗔

CAUAYAN CITY- Natapos na ang konstruksyon ng Multipurpose Building sa Brgy. Castillo, Echague, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Captain Arnold Gallato, ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng limang milyong piso kung saan magdaragdag ito ng mahigit apat na raang libong piso para sa pintura at tiles nito.

Aniya, buwan ng Hunyo taong 2023 pa sinimulan ang proyekto at natapos ito nito lamang buwan ng Agosto ngayong taon.


Malaking tulong umano sa kanilang Barangay Officials ang bagong multipurpose building dahil mapapabuti nila ang kanilang serbisyo sa mga mamamayan.

Sinabi pa ni Kapitan Gallato na mapupunta sa mga day-care workers ang dating barangay hall bilang kanilang opisina.

Facebook Comments