𝗣𝟱𝟬𝗠 𝗡𝗔 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗕𝗨𝗜𝗟𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗬𝗨𝗚, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗔

Pinasinayaan na ang bagong four- storey school building sa Tayug National High School matapos ang konstruksyon nito.

Nasa higit limampung milyong piso ang halagang inilaan para sa pagtatayo ng naturang imprastraktura.

Nakumpleto ang naturang gusali nito lamang ika-walo ng Agosto ngayong taon na binubuo ng labing-anim na mga silid aralan, conference room at mayroong lawak na 1, 748 na sq/m.

Nilagyan din ng fence ang ikalawa hanggang ikaapat na palapag upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at guro. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments