𝗣𝟲𝟴𝟬𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗩𝗜𝗗𝗨𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗢𝗡𝗔𝗡

Tinatayang nasa P680, 000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng awtoridad sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Sumabnit, Binalonan.

Nakuha ang iligal na droga kay Rommel Angeles na isang high value individual sa Region 1.

Nasa isang daang gramo ang nakumpiska kay Angeles kasama ang boodle money na 25,000. Haharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments