Nakapaloob sa resolusyon ang pagkakatatag sa Provincial Task Force to End Local Communist Armed Group (PTF-ELCAC) upang tumugon sa kinakaharap na problema laban sa komunistang grupo sa ilalim ng โWhole of the nation Approach and Good Governanceโ.
Iginawad naman ng dalawang opisyal ng Philippine Army na sina BGen. Audrey Pasia, Commander ng 5th Infantry Division at BGen. Danilo Benavides, commander ng 502nd Infantry Brigade ang Sertipiko ng Pagkilala kay Governor Cua dahil sa suporta nito sa hangaring tuluyan ng matapos ang problema sa insurhensiya.
Ayon kay Cua, ligtas ang mamasyal at manirahan sa lalawigan ng kung sinuman ang magnanais nito.
Dagdag pa nito, hindi ito magiging posible kung hindi dahil sa pakikipagtulungan ng komunidad.
Ang Quirino Province ang unang lalawigan sa rehiyon dos na idineklarang โinsurgency-freeโ