𝗥𝗔𝗖𝗘 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗔𝗜𝗚𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗦𝗦 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗢𝗬𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗

Nasa 22 employers sa lungsod ng San Carlos ang nabisita ng branch ng SSS doon upang isagawa ang Run Against Contribution Evaders o RACE Campaign.

Sa unang tatlong operasyon na naisagawa ng tanggapan ngayong 2024, ang 22 employers ay nakitang may paglabag kung saan 124 na empleyado ang apektado.. Labing isa sa mga ito ang natukoy na may paglabag sa Non-Remittance at parehong bilang din ay sangkot sa Non-Registration.

Sa kabuuan, nasa P1, 346,585.85 ang delinquency sa unang tatlong operasyon at P126, 279.90 dito ay nakolekta na ng SSS San Carlos City Branch.

Kaugnay nito, apat sa mga employers ang nagparehistro na sa tanggapan habang isa naman ang nakapagbayad na sa pagkakautang nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments