
โCauayan City – Patuloy ang pagpapaalala ng Regional Anti-Cybercrime Unit 2 ng Philippine National Police laban sa tumataas na kaso ng love scam at sextortion ngayong Pebrero.
โ
โAyon sa kanilang monitoring, dumarami ang mga insidente ng online romance scam tuwing Heart’s Month.
โ
โPaliwanag ni Police Captain John Carlo Lozada, ginagamit ng mga scammer ang pagpapanggap na may romantikong interes upang makapanloko at makakuha ng pera, personal na impormasyon, o kontrol sa pananalapi ng biktima, na kadalasang mga balo, single parent, o retirado.
โ
โDagdag pa nito, may mga suspek umanong foreigner at mayroon ding lokal na sangkot, at ang ilan ay kumikilos bilang organisadong grupo.
โ
โNoong nakaraang taon, tatlong kaso ng love scam ang naisampa na at kasalukuyang hinihintay ang resolusyon ng korte.
โ
โSamantala, patuloy ring mino-monitor ng RACU 2 ang mga kaso ng sextortion kung saan lihim na nire-record ang mga pribadong video call at ginagamit sa pangingikil.
โ
โPinayuhan ng pulisya ang publiko na maging mapanuri sa pakikipagkilala online at huwag basta magbahagi ng pribadong impormasyon o sensitibong materyal.
โ
โSource: Radyo Pilipinas Tuguegarao
————————————–
โPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
โ#985ifmcauayan
โ#idol
โ#numberone
โ#ifmnewscauayan










