𝗥𝗔𝗡𝗜𝗔𝗚 𝗧𝗜 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗧𝗢 𝗨𝗡𝗢 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟 𝟮𝟬𝟮𝟰, 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗜𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪

Cauayan City – Nakatakdang magsimula ngayong araw ang Raniag ti Distrito UNO Festival 2024 ng Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Brgy. Kagawad Pipo Ordoñez, dalawang buwan ang ginawa nilang paghahanda para sa kapistahan ng kanilang barangay ngayong taon.

Aniya, sa unang pagkakataon ay nagkaroon na nga ng pangalan ang kanilang Fiesta at ito nga ay ang “Raniag ti Distrito Uno Festival”.


Bilang pagsalubong sa unang araw ng kapistahan, isasagawa naman mamayang hapon ang walking Zumba at ang pormal na pagbubukas ng Banchetto.

Lubos namang nagpasalamat si Ordoñez sa kapwa nito mga barangay Officials sa pamumuno ni Brgy. Chairman Marc De Joya, at sa mga barangay staffs.

Facebook Comments