Iginiit ng local chief executive ng Urdaneta City na naaayon sa Comprehensive Land Use Plan ng lungsod ang conversion ng purpose ng reclassified agricultural lands sa kahabaan ng Urdaneta City Bypass Road.
Dagdag ng opisyal, ang CLUP ng lungsod ay epektibo mula 2017 hanggang 2027 kaya anuman ang gawin ng mga nagmamay-ari ng reclassified lands ay maaari nilang gawin.
Naniniwala rin ang City Planning Office na hindi kinakailangan dumaan sa Sangguniang Panlungsod ang mga reclassified lands na gagawing residential area depende sa seguridad ng lokasyon.
Samantala, ayon naman kay Provincial Planning and Development Office OIC Engr. Rowena Ignacio ang conversion ng reclassified lands ay kinakailangan pa rin dumaan sa Sangguniang Bayan na nakasaad sa guidelines ng CLUP. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨