Nakataas pa rin ang Red Alert Status sa Ilocos Region sa kabila ng patuloy na nararanasang pag-uulan dahil sa habagat ayon sa Regional Disaster Risk Reduction Management Office Region 1.
Sa ekslusibong panayam ng iFM Dagupan kay OCD 1 Spokesperson, Adreanne Pagsolingan, sila ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa tanggapan ng mga Provincial DRRMOs para sa augmentation ng mga kinakailangan tulong.
Nag-abiso naman si Pagsolingan, na nakataas pa rin ang gale warning sa Pangasinan, kaya’t ipinagbabawal ang paglaot sa karagatan na sakop ng Ilocos Norte at Pangasinan.
Sa huling tala nasa 33K na ang naitalang apektado ng nagdaang bagyo at habagat sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments