CAUAYAN CITY – Isang Regional Annual Administrative and Tactical Inspection (RAATI) ang isinagawa sa mga National Service Training Program– Reserved Officer Training Corps (NSTP-ROTC) ng Kalinga State University ngayong araw, ika-29 ng Mayo taong kasalukuyan.
Pinangunahan ni Lieutenant Colonel Epifanio R. Gaminde VI, kasama si KSU President Eduardo Bagtang ang naturang aktibidad.
Ang RAATI ay taunang isinasagawa ng Reserve Command (RESCOM) ng Philippine Army sa mga state universities at colleges sa rehiyon upang maging daan na maipakita ang kanilang kakayahan at kaalaman na nakuha sa ROTC program.
Layunin din ng aktibidad na makita ang kasalukuyang kondisyon ng mga ROTC units at kung may mga problemang dapat bigyan ng pansin para sa mas ikakaganda pa ng programa.