Pinag-usapan sa naganap na pagpupulong ng Department of Health-CHD 1 ang pagtatatag ng Regional Blood Council sa Ilocos Region.
Layunin nito na maging mas maayos ang sistema sa pangangailangan at proseso sa mga nakokolektang bloodbags sa mga blood donation drives sa ilalim ng National Voluntary Blood Services Program.
Inaasahang magmumula sa mga opisyal ng blood service facilities sa rehiyon ang bubuo sa council. Matatandaan na tumaas ang demand sa suplay ng dugo matapos makapagtala ng mataas na bilang ng kaso ng dengue. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments