𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗜𝗞𝗔-𝗟𝗜𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗢𝗣 𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗤𝗨𝗔𝗥𝗧𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡

Nasa ika-limang pwesto ang rehiyon uno sa Top rice producer sa Pilipinas ngayong unang quarter ng taong 2024, base sa datos ng Philippine Statistics Authority – Regional Statistical Services Office 1.

Inihayag ito sa presentation data ng PSA-RSSO1 sa ginanap na Orientation on Inflation and Data Dissemination of Provincial Product Accounts, Vital Statistics, and Cereals Production kamakailan.

Ayon kay PSA Ilocos Region Statistical Specialist II, Ranilyn K. Tambic, base sa kanilang isinagawang survey sa unang quarter ng taon, nasa 316,024 metric tons ang rice production sa rehiyon.

Lalawigan ng Pangasinan ang may pinakamalaking ambag sa datos ng rehiyon na sinundan ng Ilocos Norte, La Union, at Ilocos Sur.

Samantala, nasa 181% naman ang rice sufficiency sa rehiyon na sasapat ng tatlo hanggang anim na buwan ayon sa Department of Agriculture. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments