𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗗 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗨𝗦 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗖𝗘

Itinaas na ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC1) ang alerto nito sa Red Alert Status dahil sa bagyong Marce.

Sa inilabas na Memorandum Nos. 186 and 187, series of 2024 ng tanggapan, epektibo ito ngayong araw, November 7 upang mapaghandaan ang anomang epekto ng bagyo sa apat na probinsiya.

Kasabay nito ang deklarasyon sa Charlie protocol upang na siyang pinaka mataas na antas ng paghahanda sa epekto ng bagyo.

Inabisuhan na rin ang lahat ng DRRMs na makipag ugnayan sa mga residente na nakatira sa mga mababang lugar na lumikas at paigtingin ang koordinasyon sa PDRRMOs para sa monitoring ng kani-kanilang nasasakupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments