Puspusan na ang paghahanda ngayon pa lang ng Office of the Civil Defense Region 1 kaugnay sa posibleng maging epekto ng Bagyong Kristine sa buong Rehiyon Uno.
Nagsagawa na ng pakikipag-ugnayan ang Regional Disaster Risk Reduction Management Council 1 sa mga member agencies, maging sa mga lokal na pamahalaan sa rehiyon.
Nakastandby na rin ang mga assets at resources na posibleng kailangan ng mga residente sakaling maranasan ang hagupit ng bagyo.
Inaasahang maglalandfall sa Northern Luzon ang bagyo sa darating na Biyernes ng hapon.
Sa tala, posibleng ulanin ang rehiyon ng nasa 50 hanggang 100 mm ngayon, ngayong araw hanggang bukas ng hapon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments