Pumalo sa 2,170,694 ang naitalang registered voters sa Pangasinan batay sa pinakahuling Election Registration Board noong October 14 ayon sa Commission on Elections Region 1.
Sa datos ng tanggapan, nasa 9,269 Pangasinense ang humabol sa huling araw ng pagpaparehistro noong September 30 sa mga COMELEC offices dahilan upang tumaas pa ang bilang ng mga botante.
Maliban dito, mataas din ang naitalang bilang ng botante mula sa vulnerable sector kung saan 366,576 na senior citizens ang nagparehistro at 2,324 Persons Deprived of Liberty o PDL ang naiparehistro sa satellite registration sa lalawigan.
Samantala, binigyang-diin ni Provincial Election Officer Atty. Ericson Oganiza na walang election hotspot sa Pangasinan dahil sa mahigpit na pakikipag-ugnayan sa mga concerned agencies at monitoring na isinasagawa ng COMELEC. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨