Kasalukuyang nagpapatuloy ang Register Anywhere Program o RAP ng Commission on Elections sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa ngayon, nagsasagawa ng off-site registration at voter’s education campaign ang nasabing komisyon sa iba’t ibang parte ng lalawigan.
Ayon sa panayam ng iFM Dagupan kay Atty. Marino Salas, ang Provincial Election Supervisor ng COMELEC sa lalawigan, ang RAP ay susuyod sa bawat distrito sa lalawigan upang mapalawig pa ang kampanya na makapag parehistro ang bawat mamamayan.
Gayundin, sisikapin nilang ikutin ang 1,364 na barangay sa lalawigan upang masigurong walang hindi mapupuntahan.
Samantala, prayoridad din nila ngayon na irehistro ang mga mag-aaral, kaya’t nagtutungo sila sa mga eskwelahan, kung saan diumano ay accessible din sa mga residente ng isang barangay.
Sa ngayon, puspusan din ang paghahanda ng COMELEC sa paparating na midterm elections, lalo na at bago ang makinaryang kanilang gagamitin.
Ang Voter’s Registration sa buong bansa ay magtatagal hanggang sa ika-30 ng Setyembre. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨