𝗥𝗘𝗚𝗨𝗟𝗔𝗥 𝗙𝗟𝗨𝗦𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗬𝗦𝗔𝗬 𝗙𝗜𝗦𝗛 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗘𝗧 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗣𝗨𝗦𝗣𝗨𝗦𝗔𝗡

Puspusan ang gagawing regular flushing ng Waste Management Division o WMD sa Magsaysay Fish Market sa lungsod ng Dagupan dahil umano sa masangsang na amoy na nanggagaling sa pamilihan.

Apektado diumano ang mga ilang mamimili sa amoy na nakakasulasok mula dito.

Bukod sa regular flushing, masusing paglilinis rin ang gagawin ng WMD sa ibang bahagi ng central business district upang mapanatili ang kalinisan ng lungsod.

Ang naturang hakbang ay regular na isasagawa upang masiguro ang kaligtasan hindi lang ng mga nagtitinda gayundin ang mga mamimili. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments