𝗥𝗘𝗚𝗨𝗟𝗔𝗥 𝗝𝗢𝗕𝗦 𝗙𝗔𝗜𝗥 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗩𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡

Nakatakdang isagawa ang isang Regular Jobs Fair Caravan sa darating na huwebes, ika-8 ng Pebrero, sa bayan ng Lingayen.

Ang naturang caravan ay isasagawa sa opisina ng Public Employment Service Office ng lalawigan na pangungunahan din ng nasabing ahensya.

Iba’t ibang local at overseas companies naman ang makikiisa sa layuning magkaroon ng hanapbuhay ang bawat Pangasinense.

Ayon sa PESO, ilan lamang sa mga trabahong maaaring applyan ay ang mga skill-related na trabaho, managerial positions, customer service agent, at marami pang iba.

Magbibigay serbisyo rin ang Government one-stop shop services, tulad ng PhilHealth, Professional Regulation Commission, at ang Social Security Services, upang mapadali ang pagkuha ng mga kinakailangang dokumento ng mga naghahanap ng trabaho sa nasabing job fair.

Samantala, hinihikayat ng naturang ahensya ang publiko na makiisa sa naturang kaganapan upang makatulong sa kanilang paghahanap ng trabaho. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments